Ex-DPWH Eng. Brice Hernandez, ipinalipat ng senado sa Pasay City jail

📅

Bigo si Sen. Marcoleta na maibalik sa senate compound ang dating DPWH official na si Brice Hernandez at sa halip ay ipinalipat siya ng mataas na kapulungan sa Pasay City jail.

Matatandaang ipina-cite in contempt si Hernandez ng senate blue ribbon committee hearing matapos magsinungaling sa kanyang pagsusugal sa Casino.

Una siyang ipiniit sa senate detention facility.

Pero nang humarap sa hiwalay na hearing ng kamara nitong September 9 hiniling ni Hernandez na huwag na siyang ibalik sa senado dahil aniya sa banta sa kanyang seguridad.

ADVERTISEMENT

Inilipat si Hernandez sa PNP custodial center at ngayo’y napagdesisyonang ilipat na sa Pasay City jail.

Si Hernandez ang kumanta sa umano’y pagkakasangkot nina senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva sa mga anomalya ukol sa flood control projects.