Ex-DPWH chief Manny Bonoan, konektado sa “family business” ng flood projects ayon kay Sen. Lacson

📅

May naging “family business” si dating Public Works chief Manny Bonoan kay Candaba, Pampanga Mayor Rene Maglanque na aniya’y kontratista ng bilyong bilyong pisong halaga ng flood control projects.

‘Yan ang isiniwalat ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson sa kaniyang privilege speech sa pagpapatuloy ng senate inquiry ukol sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Lacson na si Maglanque ay dating pangulo ng Globalcrete Builders na nakakuha ng halos P2. 2 billion flood control projects sa Bulacan mula 2018 hanggang 2024.

Lumabas din na pagmamay-ari ni Maglanque ang MBB Global Properties na nagpatayo ng halos P1 bilyong na Wyndham Garden Hotel sa Clark.

Giit ni Lacson, tumutukoy ang MBB kina Maglanque, DPWH Usec. Roberto Bernardo at Manny Bonoan.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Lacson kaya palaging sinasabi ni Bonoan na “isolated case” lang ang mga ghost project sa Bulacan ay para hindi mabunyag ang papel ng Globalcrete.

Matatandaang nagbitiw sa puwesto si Bonoan na pinalitan ni Vince Dizon bilang bagong kalihim ng himpilan.