Transition government umano ang tanging paraan upang mawaksi ang korapsyon sa pamahalaan at mabawi ang tiwala ng taumbayan, ayon kay dating defense chief Norberto Gonzales noong Martes.
Sa panayam kay Gonzales, sinabi niyang ang national reset ang magtatanggal sa matagal nang mga isyu ng bansa gaya ng kahirapan, seguridad at kakulangan sa pagkain, pati na ang kawalan ng tiwala sa kakayahan ng gobyerno; lalong kailangan na rin aniya ng mga Pilipino ng hustisya bilang mga biktima ng maling paggamit sa kaban ng bayan.
Sa kasalukuyan umanong proseso ng eleksyon, “lesser evil” na lamang mula sa mga political dynasties ang pinagpipilian ng mga botante, kaya mahirap aniya na mapanagot ang mga ito kung magkamali habang nasa posisyon.
Giit ng dating hepe, may oras pa para sa transition constitution bago pa man ang susunod na eleksyon.
ADVERTISEMENT
Aniya, maunawaan na rin umano ng mga Pilipino na magdesisyon nang tama at ito ang dapat ingatan ng mga politiko. (Denniel Salayo/News Light)



