Ex-budget Sec. Pangandaman, sinibak sa DBM dahil sa posibleng impluwensya sa imbestigasyon | News Light

📅 November 25, 2025 2:07 PM PHT

Tinanggal sa puwesto si dating Budget Secretary Amenah Pangandaman para matigil ang suspetsang maiimpluwensyahan nito ang posibleng imbestigasyon sa kinasangkutang korapsyon sa 2025 national budget gamit ang flood control projects, ayon kay President Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay Marcos sa press conference kahapon, sinisiguro lamang na wala sa posisyon si Pangandaman para mapakialaman ang mga imbestigasyong nagaganap kamakailan at ’di masasabing inaayos nito ang sarili niyang kaso.

Matatandaang itinanggi ni Pangandaman ang alegasyon ni resigned Ako Bicol Rep. Zaldy Co na may ₱100 billion na kickback sa mga proyektong nasa 2025 national budget. Kasunod ito ng anunsyo ng Palasyo na pinalitan na siya bilang budget chief.

ADVERTISEMENT

Ganito rin ang naganap kay dating Executive Secretary Lucas Bersamin, ngunit itinanggi nitong boluntaryo siyang nag-resign kundi pinaalis siya sa kanyang puwesto.

Nagkaunawaan at wala naman umanong hidwaan o “bad blood” sina PBBM at Bersamin ayon mismo sa pangulo, at pinagdesisyunang sa kanila na lamang ang usaping iyon. (Denniel Salayo/News Light)