Ex-asst. engineer ng Bulacan idinawit ang ilang senador sa porsyentuhan umano sa infra projects

📅

Isinangkot ng isang dating DPWH engineer sa Bulacan ang ilang senador na umano’y nangongomisyon sa infrastructure projects.

Sa pagdinig ng House infra-committee, sinabi ng naturang assistant district engineer na sa kanya umano ibinabagsak ang kahon-kahon ng pera bago ito ipamahagi pero itinanggi ng kanyang dating boss ang mga akusasyon.