Muling naglabas ang Every Nation Music ng panibagong live worship album na pinamagatang Revive.
Ang album ay isang koleksyon ng mga awiting pagsamba mula sa iba’t ibang worship singer at songwriter ng Every Nation Churches sa United States.
Ang bawat kanta sa Revive ay live recorded upang madama nang lubos ang totoong diwa ng pagsamba at ang pagkakaisa ng komunidad ng Every Nation Music.
ADVERTISEMENT
Mula sa mga tahimik na sandali ng pagsuko hanggang sa mga malalakas na pagdeklara ng pananampalataya, ang Revive ay nagtuturo sa atin pabalik kay Hesus.
Maaaring mapakinggan na ang Revive sa lahat ng major music platforms. (Benedict Quejado/News Light)




