Malapit na sa huling yugto o ‘endgame’ ang laban kontra korapsyon sa flood control projects, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) kahapon.
Ayon kay PCO Secretary Dave Gomez, kakikitaan ng progreso sa tatlong mahahalagang parte ng responde sa flood control scandal: pagpapanagot ng mga korap na opisyal, marekober ang nakaw na yaman, at pagi-implementa ng reporma sa sistema ng pamahalaan.
Pinagmalaki ni Gomez ang pago-auction ng mga mamahaling sasakyan at pagbabalik ng milyon-milyong piso sa gobyerno, pati na ang paglulunsad ng transparency portal ng Department of Public Works and Highways.
Dagdag pa niya, asahang may mabibilanggo ngayong may nasasampahan na at nabibigyan ng warrant, ayon sa presidente.
ADVERTISEMENT
Hindi umano kukurap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa kabila ng mga ‘political noise’ at lohikal nitong tatapusin ang lahat ng imbestigasyon; nalalapit na rin ang ‘endgame,’ ani Gomez. (Denniel Salayo/News Light)



