Eroplano ng PCG na nagpatrolya sa Bajo de Masinloc, walong beses na nakatanggap ng radio challenge mula China | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nagbantay sa himpapawid ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal ang eroplano ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos makatanggap ng radio challenge mula sa mga barko ng China.

Ibinahagi ni PCG Spokesperson to the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa kanyang social media account ang pagmamanman ng barko ng Chinese Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army Navy (PLAN) warship.

Kung saan nakatanggap ng ilang beses na radio challenge mula sa mga barkong ito.

Ang dalawang barko ng CCG ay 84.6 nautical miles kanluran malapit sa Capones Island, at isa naman ay 7.8 nautical miles timog-silangan ng Bajo de Masinloc, kasama ang dalawang PLAN warship na may hull numbers 553 at 909.

ADVERTISEMENT

Dagdag sila sa lima pang barko ng Chinese Maritime Militia na minamanmanan ng PCG na may layong 6.16 hanggang 11.82 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc.

Tumugon naman ang PCG at ayon kay Commodore Tarriela, ang isinasagawang maritime domain awareness ng PCG, kung saan lumipad sa himpapawid ang kanilang eroplano, ay fully compliant sa United Nations Convention on the Law of the Sea. (Austin Gonzaga/News Light)