Enchanted Kingdom, labing-isang taon nang tumutulong sa pagsasaayos ng mga paaralan

📅 June 16, 2025 01:50 PM PHT  |  ✏️ Updated June 16, 2025 01:50 PM PHT
👤 Maricon Rodriguez  |  📂 DZJV Radyo CALABARZON, Featured, Laguna
Photo Courtesy: PIA-CALABARZON

Hindi lamang mahika at great EKsperience ang ibinibigay ng Enchanted Kingdom sa publiko dahil ngayong araw, ika-16 ng Hunyo, ipinagpapatuloy nito ang malasakit at tulong sa edukasyon.

Dalawang silid-aralan ang inayos at pinaganda ng Enchanted Kingdom sa Caingin Elementary School, Sta. Rosa City, Laguna.

Ang nasabing pagsasaayos at tulong ay bahagi ng kanilang suporta sa mga mag-aaral ngayong pasukan.

Ayon kay Enchanted Kingdom President at CEO, Mr. Mario Mamon, ito na ang ika-11 taon ng kanilang pagtulong sa ibat-ibang paaralan sa lungsod ng Sta. Rosa.

Dagdag pa nito, isang atmosphere na akala mo’y nasa loob ng Enchanted Kingdom ang disensyo ng dalawang classroom.

Lubos naman ang pasasalamat ni Vice Mayor Arnold Arcillas sa Enchanted Kingdom dahil patuloy ang isinasagawa nitong suporta at tulong sa kanilang lungsod.

Samantala, binigyang diin din ni Mr. Mamon na pagdating ng panahon ay hindi lamang umano sa nasabing lungsod sila tutulong kundi pati na rin sa ibang lugar sa lalawigan ng Laguna.