Embahada ng Pilipinas sa Qatar, nagbabala sa mga Pilipino matapos ang airstrike ng Israel | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Naglabas ng abiso ang Embahada ng Pilipinas sa Qatar na nananawagan sa lahat ng Pilipino na manatili muna sa loob ng kanilang mga tahanan matapos ang airstrike ng Israel na tumarget umano sa mga lider ng Hamas sa Doha.

Ayon sa embahada, dapat manatiling kalmado ang mga Pilipino, sumubaybay sa balita mula sa mga mapagkakatiwalaang pinagmulan, at sundin ang mga tagubilin ng lokal na awtoridad.

Kinumpirma ng Qatari Ministry of Foreign Affairs na tinarget ng Israel ang mga gusaling tirahan ng ilang miyembro ng political bureau ng Hamas.

Gayunman, tiniyak ng Qatari Ministry of Interior na ligtas na ang sitwasyon at pinayuhan ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga opisyal na pahayag.

ADVERTISEMENT

Inako ng Israel Defense Forces ang responsibilidad at iginiit na gumamit sila ng “precise strike” upang iwasan ang pinsala sa mga sibilyan.