Elon Musk, nagtatag ng bagong political party sa America | News Light

📅 July 7, 2025 10:47 AM PHT  |  ✏️ Updated July 7, 2025 02:29 PM PHT
👤 Dawn Pamulaya  |  📂 Balitang Abroad, Latest News, News Light

Inanunsyo ng American entrepreneur na si Elon Musk ang pagtatatag ng bagong political party na tinawag na “America,” matapos ang resulta ng online poll na isinagawa niya sa social network na X.

Ilan sa mga pangunahing punto ni Musk ang pagkalubog sa pagkakautang ng United States dahil sa labis na paggastos at katiwalian.

Mahigit 1.2 milyong netizen ang lumahok sa botohan, kung saan 65.4% ang pumabor sa pagbuo ng bagong partido.