Election-related incidents, bumaba ng 56% kumpara sa 2023 ayon sa PNP

📅

Bumaba ng 56% ang mga election-related incidents ngayong 2025 kumpara sa 105 na insidente noong 2023 barangay at SK elections, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Pinakamaraming ERIs ang naitala sa Cordillera, sinundan ng Bangsamoro at Calabarzon.

Bagamat mas mataas ang bilang ng ERIs kumpara noong 2022 presidential elections, sinabi ng PNP na nananatiling mas ligtas ang halalan ngayong taon.

Patuloy na naka-full alert ang PNP hanggang Hunyo 11 upang matiyak ang kaayusan sa natitirang bahagi ng election period.

ADVERTISEMENT