EJ Obiena, nasungkit ang pang-apat niyang gold medal sa SEA Games 2025 | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nanaig sa Men’s pole vault si EJ Obiena dahilan upang masungkit nito ang ika-apat na gintong medalya sa SEA Games 2025.

Nasungkit ito ni Obiena kahapon mapatapos magtakda ng bagong meet record na 5.70m sa Suphachalasai National Stadium ng Bangkok.

Nakauwi rin ng bronze medal si Kevin Elijah Cole. 5.20 ang kanyang nakuha.

Umabot na sa 168 na medalya ang nakuha ng bansang Pilipinas sa patuloy na Southeast Asian Games 2025. (Austin Gonzaga/News Light)