Muling iniurong sa susunod na taon ang rehabilitasyon ng EDSA ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Paliwanag ng DPWH, maulan na at susundan na ito ng Christmas rush kaya sa 2026 na sisimulan ang rehabilitasyon sa kalsada.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, tumitingin sila ng mas epektibo at murang teknolohiya upang maisaayos ang 23.8 kilometer na kahabaan ng EDSA.
Dahil dito, hindi muna ipapatupad ang odd-even scheme sa kalsada.
Gayunpaman, tuloy ang planong karagdagang bus sa EDSA Busway para sa mga komyuter.