EDSA, isasara tuwing hatinggabi; Mga lane, babawasan dahil sa MRT-7 | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Newslight  |  📂 Uncategorized, Featured

Nagsimula na ngayong buwan ang pagsasara tuwing hatinggabi sa North Avenue, bandang Landmark Trinoma at Unified Grand Central Station.

Ito’y upang bigyang-daan ang pag-i-install ng tower supports sa MRT-7.

Tatagal ang pagsasara simula Pebrero hanggang Mayo, tuwing alas-4 ng umaga.

Habang magkakaroon din ng lane closures mula Cubao hanggang Balintawak para sa konstruksiyon ng MRT-7, mula Pebrero 1 hanggang Mayo 8.

Samantala, hindi na muna madadaanan ang West Avenue, bandang EDSA, mula Marso 24 hanggang Marso 29, alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.

ADVERTISEMENT

Magpapatupad naman ng zipper lane at mga alternatibong ruta. (Austin Gonzaga/News Light)