Isinusulong ng Ecowaste Coalition ang pag-iwas sa mga mapanganib na laruan para sa mga bata ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.
Kasabay ng National Children’s Month, pinaalalahanan ng Ecowaste na mapanganib ang anumang laruan na maaaring maging dahilan upang mabulunan, mahiwa, masakal, mapaso, at mapinsala ang mata, tenga at iba pang bahagi ng katawan.
ADVERTISEMENT
Pinag-iingat din ang publiko sa mga laruan na may nakalalasong kemikal gaya ng lead at cadmium.
Binigyang-diin ng grupo na highly vulnerable ang mga bata sa mapanganib na laruan dahil nagde-develop pa ang kanilang mga katawan at mas madalas silang mailantad sa mga panganib habang naglalaro.




