Easterlies, magdudulot ng ulan sa malaking bahagi ng bansa | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nagbabala ang PAGASA na makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog ang Bicol Region, Isabela, Aurora, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at Marinduque dahil sa epekto ng easterlies.

Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.

Samantala, ang Metro Manila, Visayas, Mindanao, Cavite at iba pang bahagi ng Mimaropa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Sa nalalabing bahagi ng Luzon, lokal na thunderstorm ang magdudulot ng maulap na panahon na may katulad na banta ng pagbaha at pagguho ng lupa tuwing may malalakas na ulan.

ADVERTISEMENT

Inaasahang banayad hanggang katamtaman ang ihip ng hangin at maaliwalas ang karagatan sa buong bansa.