Asahan ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Bicol Region, Bulacan, Rizal at Quezon dahil sa easterlies.
Posible rin ang flash floods at landslides bunsod ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.
Sa nalalabing bahagi ng bansa, magiging bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan na may pulupulong pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Babala ng PAGASA, maaari ring magkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa sa panahon ng malalakas na thunderstorms.
ADVERTISEMENT
Banayad hanggang katamtaman ang ihip ng hangin mula sa timog-silangan hanggang hilagang-silangan sa Luzon, at timog-silangan naman sa Visayas at Mindanao, na may banayad hanggang katamtamang pag-alon sa dagat.



