Eala, wagi sa Jingshan open opener sa China

📅

Pinataob ni Alex Eala si Aliona Fei ng Belarus, sa unang laban niya sa Jingshan open sa China.

Matapos ang dominanteng unang set, binasag ng bente anyos na Filipina ang 4-4 tie sa ikalawang set at nagkapantayan pa sa 5-5.

Pero hindi nanginig si Eala at dinomina pa rin ang huling dalawang game, sa score na 6-3, 7-5 para umabante sa round of 16 ng WTA 125 tournament.