Eala at Gauff, pasok na sa quarterfinals ng Italian Open

๐Ÿ“… May 14, 2025 01:37 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated May 14, 2025 01:37 PM PHT
๐Ÿ‘ค Dawn Pamulaya  |  ๐Ÿ“‚ Sportslight, Latest News, News Light

Pasok na sa quarterfinals ng 2025 Italian Open ang tambalan nina Filipina tennis star Alex Eala at Grand Slam champion Coco Gauff matapos talunin ang Italian duo na sina Tyra Grant at Lisa Pigato, 6-2, 6-3.

Sa kanilang unang pagsasama, ipinakita ng dalawa ang husay at koordinasyon sa court.

Susunod nilang makakaharap ang defending champions na sina Sara Errani at Jasmine Paolini.

Bagamat nanalo ang Errani-Paolini duo sa round-of-16, kinailangan nilang dumaan sa tatlong set kontra sa koponang Fernandez at Putintseva.