Ilulunsad na ng DSWD, ang mga E-bus na dinisenyo para sa mga Persons with Disability na layong padaliin at mas maging inklusibo ang transportasyon.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nasa 20 E-buses ang ihahain sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.
Mayroong ramp, wheelchair spaces at CCTV ang mga bus para sa kaligtasan ng mga pasahero.
Sa ngayon, ginagamit pa itong shuttle ng mga kumpanya sa Taguig City pero target na simulan ito bilang public transport sa Quezon City.
Pero giit ni Gatchalian, dapat tugma rin ang infrastructure tulad ng PWD-friendly bus stops para tuluyang maging maayos ang sistema.