‘E-ayuda’ raffle sa Calumpit, Bulacan, binatikos ng netizens | News Light

📅

Binatikos sa social media ang programang ‘E-Ayuda’ ni Calumpit, Bulacan Mayor Lem Faustino para sa mga nasalanta ng habagat at pagbaha sa naturang bayan.

Sa post ni Faustino, kailangang mag-comment ng mga residente sa loob ng kanilang binahang bahay.

Matapos nito, aabangan ang livestream ng pagbunot ng mga mapipiling comments na makakatanggap ng e-ayuda sa pamamagitan ng e-wallet.

Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang paraan ng pagbibigay ng ayuda.

Nilinaw naman ng Calumpit mayor na mabibigyan ang lahat ng nag-comment ng picture mula ala-1 hanggang ala-5 ng hapon noong Miyerkules.

ADVERTISEMENT

Nagsagawa rin aniya ang lokal na pamahalaan ng house-to-house visit at nagpaabot ng ayuda.

Ayon naman kay DILG Secretary Jonvic Remulla, walang nilabag na batas si Faustino.

Magugunitang maging si Remulla ay binatikos dahil sa DILG social media posts nito sa gitna ng bagyo at habagat.