Maghahain ng petisyon ngayong Lunes ang Duterte Youth party-list para ideklarang unconstitutional ang naging desisyon ng Comelec en banc sa ruling na nagkakansela sa kanilang registration.
Ayon kay Duterte Youth chairperson Ronald Cardema, hindi na umano nakakagulat ang lumabas na desisyon ng poll body.
Sa botong 5-1-1, ibinasura ng Comelec en banc ang motion for reconsideration na inihain ng nasabing party-list.
Magugunitang una nang kinansela ng Comelec ang registration ng grupo dahil sa mga kakulangang dokumento at nakabinbin na kaso.



