
Binisita ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IV-A ang ilang kaanak ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Batangas na naapektuhan ng lindol sa Myanmar.
Naghatid ang ahensya, katuwang ang lokal na pamahalaan, ng psychosocial support sa tatlong kaanak ng OFW mula sa Lipa City at Batangas City.
Layunin ng naturang suporta na matulungan silang harapin ang emosyonal na epekto ng krisis.
Ayon sa DSWD, bahagi ito ng kanilang interbensyon upang mapagaan ang mental na pasanin ng mga pamilyang nahaharap sa matinding pagsubok.
Isinagawa rin ang assessment upang matukoy ang kanilang mga pangangailangan at maipag-ugnay sila sa mga nararapat na ahensya para sa karagdagang tulong.