DSWD, dumepensa sa pagbibigay ng ₱80,000 sa viral na homeless sa Makati | News Light

📅 June 4, 2025 02:08 PM PHT  |  ✏️ Updated June 4, 2025 02:10 PM PHT
👤 Giselle Crazo  |  📂 Latest News, News Light

Dinepensahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pagbibigay ng ₱80,000 na financial assistance sa homeless woman na si “Rose” na naging viral matapos makuhanan na umahon sa isang kanal sa Makati.

Ipinaliwanag ni Gatchalian sa Palasyo na bahagi ang aid ng ‘Pag-Abot Program’ ng DSWD para sa mga walang tirahan.

May batayan umano ito sa assessment ng lisensyadong social worker at alinsunod sa guidelines ng ahensya.

Iginiit din niya na hindi isang bulto ang ibinibigay na ayuda kundi by tranche at mahigpit na mino-monitor ng isang social worker.