DSWD, binalaan ang mga benepisyaryo laban sa paggamit ng ayuda sa sugal | News Light

📅

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lahat ng benepisyaryo ng kanilang financial assistance programs na huwag gamitin ang natatanggap na ayuda para sa pagsusugal.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang naturang pondo ay nakalaan lamang para sa mga pangunahing pangangailangan at hindi maaaring ilaan sa anumang uri ng sugal o hindi awtorisadong paggamit.

Ipinag-utos din ni Gatchalian ang mas mahigpit na post-distribution monitoring at pagbuhay ng grievance mechanisms upang tugunan ang mga ulat ng maling paggamit.

Babala ng ahensya, ang mga mahuhuling gumagamit ng ayuda para sa pagsusugal ay maaaring tanggalin sa programa at madiskuwalipika sa mga susunod na tulong ng pamahalaan.