Naghain si Sen. Robin Padilla ng senate bill no. 1200 o Drug Free Government Act. Layon nitong gawing mandatory ang drug testing sa lahat ng halal at itinalagang opisyal ng Gobyerno, kabilang na ang Pangulo ng Pilipinas.
Binanatan ni Leyte Rep. Richard Gomez ang patutsada ng isang alkalde na anyay nag iingay ukol sa korpasyon sa Flood Control Project. Hindi pinangalanan ni Gomez kung sino ang pinatutungkulan pero anya dapat munang ayusin ng taong ito ang mga suliranin sa sariling lungsod bago makialam ng iba.
Samantala tatayong pangulo ng League of Municipalities Bulacan Chapter si Bocaue Mayor Jonjon Villanueva matapos mananalo sa ginanap na halalan noong August 18 sa Guiguinto Bulacan.
Malugod namang tinanggap ng alkalde ang pagkakahalal sa kanya at taos pusong nagpasalamat sa ibinigay na tiwala ng mga kapwa niya alkalde.



