Driver’s license ng isang vlogger, sinuspinde ng LTO dahil sa pagba-vlog habang nagmamaneho | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng isang entrepreneur-vlogger matapos niyang kuhanan ng video ang sarili habang nagmamaneho sa EDSA.

Kinilala ang vlogger na si Josh Mojica, 21 taong gulang.

Ayon sa LTO, suspendido ang lisensya ng vlogger ng hanggang 90 araw.

Haharap din siya sa reklamong reckless driving, na paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.

ADVERTISEMENT

Naglabas din ng show cause order ang ahensya laban kay Mojica.

Under alarm na rin ang ginamit na kotse ng vlogger, na isang mamahaling uri ng sasakyan.