Naghain ng not guilty plea sa Pasay Regional Trial Court ang SUV driver para sa kaso kaugnay sa disgrasya na ikinasawi ng dalawang tao sa NAIA Terminal 1.
Nahaharap kasi sa patong-patong na reklamo ang driver, kabilang na ang kasong reckless imprudence resulting to two counts of homicide, injuries, at damage to property.
Matatandaan noong May 4, nang salpukin ng kaniyang SUV ang departure area ng Terminal 1.
Patay ang dalawa, kabilang ang isang 4-taong gulang na bata, at ilang iba pa ang nasugatan.
Inaresto ang suspek, pero pinayagang makapagpiyansa sa halagang โฑ100,000 noong May 26 at nakalaya mula sa NAIA Police Station 1.