Dredging o paghuhukay ng lupa sa ilalim ng tubig sa Laguna de Bay ang tila nakikitang solusyon sa pagbaha sa mga bayan ng lalawigan ng Laguna.
Sa inihain na House Resolution 79 ni Sta. Rosa City, Laguna Representative Roy Gonzales, nais niyang simulang ipatupad ang dredging o paghuhukay pero environmentally friendly sa Laguna de Bay, nakikitaan kasi ng problema ang mga minor tributaries ng lawa o yung mga pinagdadaluyan ng tubig.
Ayon sa mambabatas, kailangan nang bisitahin at muling suriin ang paghuhukay sa ilalim ng lawa dahil madalas sila ang sumasalo sa tubig mula Silang, Cavite at Tagaytay, na nagreresulta sa mabilis na pagbaha na nakakaapekto rin sa industrial areas at mga eskwelahan na maaari pang maging banta sa kalusugan.
Dagdag pa niya, hindi ito polisiya na dredging lang, kundi makatotohanang programa dahil marami na aniyang nagplano nito pero hindi naisasakatuparan.



