DPWH Sec. Dizon, nagsampa na ng patung-patong na kaso sa ombudsman vs. mga sangkot sa anomalya sa flood control projects

📅

Sinampahan na ng kaso ni Public Works and Highways chief Vince Dizon ang mga opisyal ng ahensya sa bulacan at mga kontratistang sangkot sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Aniya, ito na ang simula ng pagpapanagot nila sa mga korap at abusadong inidibidwal na winawaldas ang pera ng bayan imbes na pagaanin ang buhay ng mga Pilipino.

Maaari namang maharap sa habambuhay na pagkakakulong ang mga ito.