DPWH: Pagsasaayos ng San Juanico Bridge, posibleng umabot sa ₱800-M

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Posibleng umabot sa ₱800 milyong piso ang kakailangang pondo sa pagsasaayos ng San Juanico Bridge.

Paliwanag ng DPWH, kinakalawang na at marupok na ang ilang bahagi ng tulay na nag-uugnay sa Samar at Leyte.

Katunayan, nasa ₱50 milyong piso ang inisyal na kakailangang pondo sa pagpapatibay ng tatlong bahagi ng tulay.

Hindi pa masabi ng DPWH kung gaano katagal ang aabutin sa pagkukumpuni sa buong tulay dahil base sa pagsusuri, may seryosong pinsala na ang naturang tulay.

ADVERTISEMENT

Pinag-aaralan na rin ang pagsu-subsidize ng pamahalaan sa ilang mga produkto na apektado ng pagkakaroon ng load limit.