Sasampahan ng kaso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) laban sa contractor na Hi-Tone Construction and Development Corporation dahil sa bumigay na seawall sa Barangay Bagumbayan South sa Navotas City noong kasagsagan ng bagyong Uwan, ayon kay Secretary Vince Dizon kahapon.
Ani ng kalihim, ahensya na ang mag-aayos ng nasirang seawall, at idedemanda na lamang ang Hi-Tone Construction dahil hindi pa rin ito naipapagawa magpahanggáng ngayon.
ADVERTISEMENT
Tiniyak naman ni Dizon na sapat ang pondong inilaan ni Presidente Bongbong Marcos Jr. na may direktibang magbigay ng infrastructure-related assistance sa mga lugar na apektado ni Uwan.
Sinimulan na rin ang clearing operations sa iba pang lugar, at susundan ng reconstruction para sa mga nasirang imprastraktura, ayon kay Dizon. (Denniel Salayo/News Light)




