DPWH Engineer sa Bulacan, sinibak na sa puwesto dahil sa ghost projects

📅

Sinibak ng DPWH si Bulacan 1st district engineer Henry Alcantara dahil sa grave misconduct, disloyalty, neglect of duty at conduct prejudicial to the service.

Base sa desisyon ni DPWH Sec. Vince Dizon, kabilang sa mga anomalya ang mga ghost flood control project sa baliwag na hindi umiiral kahit na may pondo.

Kasama sa parusa ang habambuhay na diskwalipikasyon sa public office at forfeiture ng retirement benefits.

Irerekomenda rin ng ahensya ang pagsasampa ng kaso laban kay Alcantara at iba pang opisyal kabilang ang dating assistant district engineer at dalawang kawani ng accounting at construction section.

ADVERTISEMENT

Babala pa ni Dizon, hindi palalampasin ang mga tiwali sa ahensiya lalo na sa mga ghost at substandard projects.