Asahang aabutin ng dalawang taon ang rehabilitation ng EDSA.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), tig-iisang taon ang gugugulin sa pagkukumpuni ng kalsada sa north at south bound ng EDSA.
Gayunpaman, sisikapin ng kagawaran na hindi ito makaantala sa trapiko para sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations o ASEAN meeting sa susunod na taon.
Target na masimulan ang rehabilitation sa kalagitnaan ng Mayo, pagkatapos ng election sa Mayo 12.
Magsasagawa ng pagpupulong ang DPWH, MMDA, at DOTr para maisapinal ang mga plano para sa rehabilitasyon.