Ipinatawag ng Department of Transportation sa Land Transportation Office ang dalawang engineer ng DPWH matapos gumamit umano ng pekeng driver’s license para makapasok sa Casino.
Agad ipinasuri ni acting Transportation chieg Giovanni Lopez ang lisensyang ipinakita sa senate probe.
Lumabas sa bersyon ng LTO na walang record ng lisensyang nakarehistro sa mga pangalang ginamit nina ‘Marvin Santos De Guzman’ at ‘Joseph Castro Villegas’.
naglabas naman na ng show cause order ang l-t-o laban sa dalawang engineer.
ADVERTISEMENT
Samantala, nanawagan naman si DPWH chief Vince Dizon sa mga empleyado ng ahensya na tulungan siyang masawata ang mga kurakot na opisyal.
Ayon kay Dizon, sa kabila ng maraming nasasangkot sa katiwalian na mga kawani ng kagawaran naniniwala siyang mayroon pa ring tapat at naninindigan sa sinumpang tungkulin.



