DOTr inanunsyong burado na ang 11-year backlog sa motorcyle plates; 5.4 million plaka, pinadala na sa LTO offices

📅  |  ✏️ Updated

Hashtag may plaka na!

Inanunsyo ni Transport chief Vince Dizon ngayong July 15 na nabura nila ang labing isang taong backlog sa motorcycle plates.

Ayon kay Dizon, 5.4 million na mga plaka ng motor ang naimprenta ng ahensya at nakatakda nang ipamahagi sa mga district Office ng Land Transportation Office.

Inilunsad naman ng LTO ang ‘LTO tracker dot com’ kung saan pwedeng hanapin ng mga motorista kung saan sila pupuwedeng magclaim ng kanilang plaka.