DOTr, binigyan ng 1 buwan ang PNR para ayusin ang nasirang tulay sa Albay | News Light

📅 November 12, 2025 1:32 PM PHT

Binigyan ng Department of Transportation (DOTr) ng isang buwan ang Philippine National Railways (PNR) para ayusin ang nasirang tulay sa Guinobatan, Albay na nasira sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, kasalukuyang iniinspeksiyon ng mga engineer ang tulay na nagdurugtong sa mga barangay ng San Rafael at Maipon.

ADVERTISEMENT

Sinusuri rin ng DOTr ang mga ulat na posibleng nasira ang istruktura dahil sa ginagawang flood control project malapit sa riles.

Giit ni Acting Secretary Giovanni Lopez, ito ang unang beses na na-disalign ang riles sa Guinobatan hindi lang dahil sa bagyo kundi sa umano’y pagkakagawa nito.