
Nagsagawa ang Department of Science and Technology (DOST)-Batangas ng refresher training sa Batangas Egg Producers Multi-Purpose Cooperative (BEPMPC) na idinaos sa Brgy. Don Luis, bilang paghahanda sa renewal ng kanilang Food Safety System Certification 22000 (FSSC 22000).
Tinalakay ng DOST-CALABARZON food safety experts ang tamang paghawak, kalinisan, cGMP, at mga panganib sa pagkain upang mapanatili ang kalidad at kaligtasan ng mga produkto.
ADVERTISEMENT
Bahagi rin ng pagsasanay ang mga case study at diskusyon sa pagpigil ng kontaminasyon at pagpapatibay ng pasilidad.
Nagpasalamat naman ang mga kalahok at nangakong isasabuhay ang mga natutunan.




