DOLE, nagbukas ng higit 2,700 internship slots sa Ilocos Region

📅

Nagbukas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mahigit 2,700 internship slots sa ilalim ng Government Internship Program (GIP) sa Ilocos Region ngayong taon.

Layon ng programa na bigyan ng pagkakataon ang kabataan na magkaroon ng karanasan sa paglilingkod-bayan sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa mga ahensyang pampamahalaan at lokal na pamahalaan.

Ayon kay DOLE Ilocos Region Information Officer Jenny Mapile, kabilang sa mga slots ay mahigit 500 sa Ilocos Norte, 200 sa Ilocos Sur, 500 sa La Union, at 1,500 sa Pangasinan.

Tatagal ng tatlo hanggang anim na buwan ang internship at may arawang allowance na ₱468.

ADVERTISEMENT

Bukas ito para sa mga edad 18 hanggang 30 taong gulang na may high school diploma, at maaaring mag-apply sa PESO o DOLE offices.