DOJ Sec. Remulla, iginiit na kailangang ibalik muna ng pamilya Discaya ang mga kinubrang pera mula sa ghost flood control projects bago maging state witness

📅

Iginiit ni Justice chief Crispin Remulla na kailangang isauli muna ng mag asawang kontratista na sina Sarah at Curlee discaya ang umano’y perang nakuha sa maanomalyang proyekto bago sila makapasok sa state witness program.

Paliwanag ni Remulla, hindi puwedeng mabalewala lang ang mga perang nakuha at makatakas sa krimen ang sinuman na nagnanais maging state witness.

Aniya, dapat ibalik ito sa bansa para magkaroon ng immunity alinsunod sa whistleblower act.

Nakatakda ring tukuyin ng isang forensic accountant ng NBI ang totoong halaga ng perang nakuha ng mag-asawa.

ADVERTISEMENT

Kinumpirma rin ni Remulla na nagkausap sila ni senate blue ribbon committee chair Rodante Marcoleta para iugnay ang mga detalye ng imbestigasyon.