DOJ, planong kanselahin ang passport ng dating tagapagsalita ni Duterte na si Harry Roque

📅

Kakanselahin ng Department of Justice (DOJ) ang passport ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na kasalukuyang humihingi ng asylum sa The Netherlands.

Iniutos na ng Angeles City Regional Trial Court ang pag-aresto kay Roque kaugnay ng human trafficking case sa illegal na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sa oras na makansela na ang passport, magiging undocumented alien si Roque at posible siyang i-deport kung hindi siya makakakuha ng asylum.

Umaasa rin si Remulla na iko-konsidera ng Netherlands ang bigat ng mga alegasyon laban kay Roque.

ADVERTISEMENT