Pinaalalahanan ng Department of Justice (DOJ) si PNP chief General Nicolas Torre III na dapat labanan ang krimen nang naaayon sa batas.
Ayon kay Justice Assistant Secretary Mico Clavano, suportado ng DOJ ang misyon ni Torre laban sa droga at krimen basta gagawin ito sa tamang paraan at may maayos na sistema at legal na proseso.
Kinondena rin ni Clavano ang umano’y quota system sa pag-aresto na anila’y matagal nang isyu at hindi makatao.
Babala pa ng kagawaran, maaaring magdulot ng sangkatutak na reklamo laban sa mga pulis ang pananatili ng ganitong sistema.



