Itinuturing na ng Department of Justice ang dating DPWH Officials na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza, kasama rin ang mag-asawang kontratista na sina Curlee at Sarah Discaya bilang protected witnesses.
Ibig sabihin mabibigyan sila ng seguridad ng ahensya.
Una nang humiling ang limang ito sa DoJ na maisailalim sa Witness Protection Program, kasunod yan ng kanilang mga naging testimonya sa senado at kongreso na nagsasangkot ng ilang mambabatas sa flood control scam.
Nilinaw naman ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, na kaiba ang isang protected witness sa isang state witness, na siyang nadedetermina lang oras na nasa korte na ang mga kaso.



