DoJ, isinumite na sa ombudsman ang resulta ng imbestigasyon sa ghost flood control projects sa Bulacan

📅

Isinumite na ng Department of Justice sa Office of the Ombudsman ang resulta ng imbestigasyon sa mga umanoy maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Personal na itinurn-over nina prosecutor general Richard Anthony Fadullon at Justice officer-in-charge Frederick Vida kay dating kalihim ng DoJ at ngayo’y Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
ang mga natuklasan sa limang kaso.

Sa imbestigasyon, irerekomenda ng DoJ ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal ng DPWH Bulacan first district engineering office at mga kontratistang sangkot sa limang umanoy “ghost” flood control projects.

Kasama sa mga isasampang kaso ang malversation, falsification of public documents,
perjury, at graft batay sa mga ebidensiyang nakalap ng n-b-i at national prosecution office.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Fadullon, may mga susunod pang kaso kapag kumpleto na ang mga ebidensiya.

Hinikayat naman ni Remulla ang publiko na maging matiyaga sa gitna ng pag-usad ng mga imbestigasyon dahil kailangang dumaan aniya sa tamang proseso ang lahat ng kaso.