DOJ, ipinagpaliban ang hearing sa flood control cases dahil sa Bagyong Uwan | News Light

📅 November 11, 2025 11:45 AM PHT

Ipinagpaliban ng Department of Justice (DOJ) ang unang pagdinig sa limang kaso ng flood control projects sa Bulacan dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Nakatakda sanang isagawa ang hearing ngayong Lunes kasama ang mga dating engineer ng DPWH na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, Arjay Domasig, Jaypee Mendoza, at contractor na si Sally Santos.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, isasagawa ang preliminary investigation sa Biyernes, November 14 dahil sa suspensyon ng trabaho sa mga opisina ng pamahalaan.

Sa nasabing pagdinig, ipapabasa at bibigyan ng kopya ng reklamo ang mga respondent.