DoJ, iginiit na limitado lang sa proteksyon ni Garma ang papel nito sa ICC case VS ex. Pres. Duterte

📅

Iginiit ng Department of Justice na hanggang sa witness protection lang ang papel ng ahensya sa kasong isinusulong ng International Criminal Court laban kay dating Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon kay DoJ spokesperson Mico Clavano, direktang nakipag-ugnayan ang ICC kay retired PCol. Royina Garma para sa kanyang mga statement at posibleng affidavit.

Nilinaw din ng DOJ na hindi nito alam ang nilalaman ng mga salaysay at ang tanging inaasikaso ay ang kaligtasan ni Garma.

Si garma, na dating PCSO General Manager ay may kasong murder kaugnay sa pagkamatay ng PCSO Board Secretary na si Wesley Barayuga.

Matatandaang nauna nang ibinulgar ni Garma ang umano’y reward system sa ilalim ng war on drugs ni dating pangulo sa imbestigasyon noon ng House quad committee sa umano’y extra judicial killings sa bansa.

ADVERTISEMENT

Aminado naman ang DoJ na posibleng maging state witness si Garma pero kailangan muna niyang ituro ang mas malaking sangkot sa kaso.

Samantala, kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na nakatakdang makipagpulong si Garma sa mga opisyal ng ICC sa bansa.