Planong palawigin ng Department of Health (DOH) ang Zero Balance Billing program sa bansa, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa 2026 proposed budget ng DOH, iginiit ni Herbosa na nagpadala sila ng liham kay Finance Committee chair Senator Sherwin Gatchalian para sa naturang plano.
Sa kasalukuyan, sa mga ospital ng DOH pa lamang ipinatutupad ang programa, at nasa 42 lalawigan lang ang mayroong DOH hospital.
Paliwanag ni Herbosa, sa mga Level 2 at Level 3 na mga LGU hospital ang target na masakop ng Zero Balance Billing dahil ito ang umaasikaso sa mga mas seryosong kaso kumpara sa Level 1 facilities.
ADVERTISEMENT
Sa ilalim ng Zero Balance Billing, wala nang babayaran ang mga pasyente ng DOH hospitals na naka-admit sa basic o ward accommodation.



