Umabot sa halos isang libo o 961 ang tumawag simula December 21, 2025 hanggang January 2, 2026 sa mental health hotline ng Department of Health (DOH) nitong nakaraang holiday season.
Ayon sa DOH, tumaas ang bilang noong December 30 ng nakaraang taon, kung saan pangunahing dahilan ng mga tumatawag ay problema sa relasyon o lovelife. anxiety, at depression.
Patuloy ang pagsisiyasat ng kagawaran at nananatiling bukas ang mental health hotline ng DOH sa mga numerong 0919-057-1553 at 0917-899-8727.
Maaari rin tumawag sa National Center for Mental Health sa numerong 1553. (Austin Gonzaga/News Light)
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT



