Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi isasama sa zero-balance billing policy ang mga indibidwal na lumabag sa batas trapiko.
Iyan ay kinumpirma ni Health Secretary Ted Herbosa sa isang joint press conference kasama si United Nations Secretary-General Special Envoy Jean Todt kahapon.
Ayon sa kalihim, kung naospital dahil walang helmet, hindi nagsuot ng seatbelt, o ‘di kaya’y uminom habang nagmamaneho, diskwalipikado ito sa zero-balance bill policy.
Nilinaw naman nito na kasama ang mga biktima ng road crash at road traffic injuries sa polisiya.
ADVERTISEMENT
Umaasa si Herbosa na magdudulot ito ng pagsunod ng mga motorista sa batas trapiko.



